Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Dumalo sa hearing ng 18th City Council ang dalawang senior citizen na umano’y nabiktima ng illegal investment scheme sa lungsod.

Sinabi ni Councilor George Goking, chairman ng committee on trade and commerce na iligal ang pinasok na negosyo ng isang hindi pa pinangalanang pastor at umano’y nagpapatakdo sa investment scheme nga tinatawag bilang MARFOX.

Binanggit ni Goking na umabot sa P25 milyon ang nalimas ng nasabing pastor matapos ma-scam ang dalawang matanda sa pinasok na transaksyon sa MARFOX.

Batay sa pananaliksik ng konseho, walang business permit bilang investment company na pinanghahawakan angv MARFOX dahil tanging pagtitinda lamang ito ng retail at wholesaler ng herbal products.

No show ang ipinatawag na pastor sa hearing ng city council kahapon ng lungsod.

Dahil dito, humingi na ng tulong ang konseho sa PNP at korte upang maaresto.