-- Advertisements --

Maaari nang sumagot sa mga mental health emergencies ng publiko ang mga pastor at ilan pang health professsionals sa pamamagitan yan ng pagtawag at paggamit ng 911 emergency hotline ayon yan sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, magiging bukas na ang kanilang hotline para sa ganitong mga klase ng memergencies upang aiwasan ang ilang mga insidente ng pagpapatiwakal bunsod ng mga nararanasang mental health issues ng ilang mga Pilipino.

Ani Torre, may mga nakausap na silang mga volunteer groups na maaaring makausap ng publiko na nangangailangan g tulong pagdating sa kanilang dinaramdam o mga gusting magsumbong ng mga insidenteng may kinalaman sa bullying.

Lumalabas naman sa datos ng PNP na halos 2,000 mga Pilipino ang pinipiling tapusin ng kanilang mga buhay dahil sa pagiging biktima ng bullying simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Samantala, binigyang diin naman ng hepe na bukas ang kanilang emergency hotline kahit anumang oras upang matiyak na makakaresponde agad ang kanilang hanay sa Kahit anumang klase ng emergencies ng publiko.