-- Advertisements --

Unanimous ang naging boto ng mga miyembro ng House Committee on Legislative Franchises na icite-for-contempt si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy dahil sa hindi nito pagsipot sa pangatlong pagkakataon na inimbitahan ng Komite.

Si Vice Chairperson at Surigao del Rep. Johnny Pimentel ang naghain ng mosyon para icite-for-contempt ang embattled religious leader na sinigenduhan ni Deputy Speaker Jay-Jay Suarez.

Nuong Pebrero naglabas ng subpoena ang kamara na pirmado ni Speaker Martin Romualdez at House Secretary General Reginald Velasco laban kay Quiboloy.

Hindi naman sinabi ni Committee Chairperson Paranaque Representative Gus Tambunting kung ano ang kanilang magiging susunod na hakbang matapos mai-cite-for-contempt si Pastor Quiboloy.

Bago ito, iginiit ni Topacio na mayroon silang “legal justification” na nakasaad sa liham na ipinadala sa House panel na apat na taon nang walang kinalaman sa operasyon ng Sonshine Media Network International o SMNI si Quiboloy.

Hindi rin umano sila umiiwas sa subpoena dahil sa katunayan ay nagpadala pa si Quiboloy ng tatlong indibidwal na makasasagot sa lahat ng tanong ng mga kongresista sa pangunguna ng Executive Pastor na si Marlon Acobo.

Kung pagbibigyan aniya ang hirit ay maaari niyang payuhan si Quiboloy na dumalo sa susunod na pagdinig dahil nakatakda silang magkita bukas.

Gayunman, hindi ito tinanggap ni Pimentel, bagkus ay idiniin pa si Topacio na gumagawa ng “delaying tactics” para hindi agad maaprubahan ang mosyon.

Dagdag pa ng chairman ng Legislative Franchises Committee na si Representative Gus Tambunting, Disyembre pa lang noong nakaraang taon ay inimbitahan na si Quiboloy at kung tutuusin ay naubos na ang lahat ng tanong ng mga mambabatas sa resource persons.