TUGUEGARAO CITY – Sinuspinde rin ni Governor Manuel Mamba ang pasok sa pre-school hanggang senior highs school sa buong lalawigan ng Cagayan ngayong araw na ito dahil sa banta ng bagyong si “Jolina.”

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.

Sinabi ni Mamba na ito ay pre-emptive action upang maiiwas ang mga mag-aaral sa anumang kapahamakan.

Kinansela na rin ng Department of Education Region 2 ang pasok sa lahat ng antas sa lalawigan ng Isabela na nasa storm signal No. 2.

Otomatiko na ring kinansela ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa lalawigan

Nasa storm signal number one kasi ang Cagayan ayon sa Pagasa.