-- Advertisements --

Kinumpirma ni Transportation Secretary Vince Dizon na sinibak na sa pwesto ang dalawang opisyal ng Land Transportation Office Region 2 matapos na manakit ng dalawang indibidwal kabilang na ang isang umano’y menor de edad.

Kinilala ni Dizon ang dalawa na si LTO Region II assistant regional director Manuel Baricaua at Charles Ursulum.

Ayon sa kalihim, sumulat na ito kay Executive Secretary Bersamin para permanente nang matanggal sa pwesto si Baricaua.

Una nang nakunan ang dalawa na nanipa ng isang lalaki sa isang event sa Tuguegarao, Cagayan.

Naniniwala ang opisyal na hindi na ito kailangan pang isailalim sa imbestigasyon dahil kitang kita sa video ang pananakit na ginawa ng mga ito.

Sa kabila nito ay nilinaw ng kalihim na nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon bagamat sapat na aniya ang video para masibak ng tuluyan ang mga ito.

Pinagpaliwanag naman aniya niya ang mga ito ng kanilang panig bilang bahagi ng due process.

Nakikipag-ugnayan naman ang ahensya sa mga biktima para sa kaukulang tulong partikular na sa paghahain ng kaso laban sa dalawang opisyal ng LTO.