-- Advertisements --

Nakipagkita si Chinese Ambassador Huang Xilian kina Cagayan Governor elect Ret. General Edgar Aglipay bilang isang opisyal na pagbisita ni Huang sa kapitolyo ng Cagayan ngayong Miyerkules, Hunyo 18.

Kasama ng ambassador ang ilang matataas na opisyal tulad ni Hu Jianhua, Pangulo ng Merchants Group; Councilor Dr. Ji Linpeng; Yang Guoliang; at He Yi mula sa Embahada ng Peoples Republic of China.

Sa ginanap na pagpupulong isinagawa ng opisyal ang maikling pagpupulong na nag-ugat sa hangarin ng Cagayan na paigtingin ang kooperasyon nito sa China, lalo na sa larangan ng ekonomiya at technology.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si Ambassador Huang kay Aglipay sa kanyang pagkapanalo noong 2025 Midterm Elections, aniya mahalaga ang patuloy na ugnayan ng China at Cagayan at binigyang diin ang potensyal ng lalawigan bilang ”international gateway” sa rehiyon ng South East Asia.

Ipinahayag pa ni Huang na bahagi ng lauyunin ng kanilang pagbisita na pagtibayin ang kanilang ugnayang pagkalakalan at serbisyo para sa kapakinabangan ng mamayanan ng Cagayan.