-- Advertisements --

Sinuspendi ng Malacañang ang pasok sa paaralan sa Metro Manila at ilang probinsya sa bansa ngayong Hulyo 24, 2025 dahil sa habagat at bagyo.

Ang mga lugar ay kinabibilangan ng Zambales, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Rizal, Metro Manila, Laguna, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon , Palawan, Cagayan, Camarines Sur,Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Antique, Iloilo.

Kasama na suspendido ang non-essential government work habang ang ibang opisina ay maaring mag-implementa ng alternative work arrangements.

Ang mga essential workers ng gobyerno na tumutugon sa rescue, at iba pa ay may pasok.