Supreme Court
Supreme Court

Nagkansela na rin ng pasok ang Supreme Court nitong araw ng Lunes, Setyembre 30, 2019.

Ito ay dahil sa isasagawang nationwide tigil-pasada.

Ayon kay Court Administrator Midas Marquez, inaasahan kasi nila na maapektuhan ang maraming empleyado ng Korte Suprema kaya napagdesisyunan na nilang kanselahin ang pasok.

Nilinaw naman nito na nasa discretion na ng iba’t ibang executive judges ang pagsuspendi sa mga korte sa labas ng Metro Manila.