-- Advertisements --

Itinakda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pasok ng mga local government unit sa Metro Manila ng ala-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Layon ng nasabing pagbabago ng oras ay para maibsan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Nakasaad sa MMDA resolution na epektibo sa Abril 15 na lahat ng mga government offices sa Metro Manila ay marapat na ipatupad ang modified working schedule mula ala-7 ng umaga hanggang als-4 ng hapon.

Hihikayat ding Metro Manila Council ang mga government offices na nasa Metro Manila na gayahin din ang nasabing oras ng pagpasok.