Patuloy sa paghihipit ang NBA sa mga players at coaches bunsod ng patuloy ding nadadagdagan ang mga players na nahahawa sa COVID-19.

Maging ang ilang coach ay pinagsabihan ng NBA na istriktong ipatupad ang pagsusuot ng face mask habang nasa games.

Una nang ipinagbawal ng NBA ang mga bisita sa tinutuluyang hotel ng mga players.

Pinaalalahanan din ang mga players na kung maaari ay manatili lamang sa kanilang mga bahay kung walang laro.

Kung nasa bench naman ang mga players at hindi pa pumapasok sa basketball court, dapat ding palagiang naka-face mask.

Inamin naman ng coach ng Orlando Magic na si Steve Clifford na kabilang siya sa napagsabihan at nangako na rin na magsusuot palagi ng face mask.

Sa ngayon umabot na sa 13 games ang kinansela ng NBA matapos na ilang players pa ang nahawa sa deadly virus.