Reading Time: 1 minute

Kinasuhan na ng mga otoridad ang pasaherong lalaki na may dalang granada nang pumasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Kinilala ng PNP-Aviation Security Group ang suspek na si Deogracias Pulmano.

Nakita umano ang pampasabog sa backpack ni Pulmano habang nasa initial screening pa lamang.

Agad gumawa ng berepikasyon ang pulisya at sa tulong ng K-9 unit ay nakumpirmang granada nga ito.

Binigyan ng tyansa ang suspek na magpakita ng dokumento para sa bitbit na pampasabog, ngunit wala itong nailabas.