parks blackwater
Photo courtesy of PBA

Nag-init ulit ang Blackwater Elite at kanilang nilumpo ang NLEX Road Warriors, 132-106, nitong Sabado sa PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center, Antipolo, Rizal.

Namayaning muli si Bobby Ray Parks Jr. matapos itong kumamada ng 29 points para sa Elite, na hinablot muli ang solong pamumuno sa team standings tangan 5-1 win-loss record.

Bokya pa rin ang NLEX matapos ang limang laro kung saan tatlo rito ay habang nakabakasyon si head coach Yeng Guiao.

Maliban kay Parks, hindi rin nagpahuli si Alex Stepheson na naglista ng impresibong 21 points at 17 rebounds, at si Allein Maliksi na umiskor ng 21 para sa Blackwater.

Nagsalpak ng limang magkakasunod na puntos si Parks upang basagin ang 63-63 deadlock at hindi na lingunin pa ang Road Warriors.

Humarurot uli ang Blackwater patungo sa 85-71 abante, sandal sa 10-0 run ni Parks.

Mula noon, umabot pa hanggang sa 30 puntos ang agwat ng Elite sa NLEX.

Narito ang mga iskor:

Blackwater 132 – Parks 29, Maliksi 21, Stepheson 21, Belo 14, DiGregorio 11, Alolino 8, Al-Hussaini 8, Tratter 6, Cortez 5, Sena 3, Salem 3, Sumang 2, Desiderio 1, Banal 0, Dario 0.

NLEX 106 – Mitchell 27, Baguio 19, Tiongson 14, Ighalo 10, Monfort 8, Quinahan 8, Galanza 5, Rios 5, Soyud 5, Erram 4, Paniamogan 0, Varilla 0, Lao 0, Paredes 0, Taulava 0.

Quarters: 33-19; 63-53; 93-80; 132-106.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here