Itiinuturing ng lungsod ng Paranaque bilang morale booster ang pagturing sa kanila ni Secretary Carlito Galvez, ang chief implementer ng National Task Force COVID-19, bilang model city dahil sa best practices na kanilang ginagawa laban sa coronavirus.

Sinabi ni Dr. Olga Virtusio, ang city health officer ng lungsod, na naging epektibo lamang ang pinapatupad nilang protocols sa iba’t-ibang barangay ng lungsod.

Naging maganda rin aniya ang pagtanggap ng mga barangay kaya walang problema mula ng magpatupad sila ng paghihigpit para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Handa rin aniya nilang ibahagi sa Department of Health o DOH ang ilang ipinatupad nilang panuntunan para maibigay sa iba’t ibang bayan sa bansa.