-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang Department of Education sa panukala ni Sen. Bam Aquino na pabilisin ang pagtatayo ng mas maraming silid-aralan sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, buo ang kanyang suporta para sa Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act ni Aquino.

Layon ng panukalang ito na mabigyan ng awtorisasyon ang mga kwalipikadong Local Government Units maging ang mga private sector na magtayo ng mga silid -aralan sa Pilipinas.

Naniniwala ang kalihim na tugma ang panukala ni Sen. Aquino sa mga ginagawang hakbang ng kanilang ahensya na pagtugon sa kakulangan ng mga classroom sa pampublikong paaralan sa bansa.

Batay sa datos, aabot pa sa humigit-kumulang 165,000 classroom ang kulang para ma accommodate ang mga mag-aaral ng mas maayos.

Una nang sinabi ni Senator Bam Aquino na itutulak rin nito ang pag-amyenda para mapalawak pa ang Republic Act No. 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.

Ito ay unang isinulong ni Aquino noong 17th Congress .