-- Advertisements --
Susubukan ng Kamara na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukalang nagbaba sa retirement age ng mga empleyado ng pamahalaan sa 56 mula sa kasalukuyang 60-anyos.
Ito ay matapos na aprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang siyam na panukala na layong amiyendahan ang Republic Act 8291 o ang Government Service Insurance System Act of 1997.
Hangad ng mga panukala na ito na ma-enjoy ng mas maaga ng mga retiradong government employees ang kanilang buhay kasama ang pamilya.
Sinabi ng mga may-akda ng panukala na magkakaroon ng mas maraming employment opportunties sa mga nais na magtrabaho sa pamahalaan kung ibababa sa 56 ang retirement age ng kanilang mga kawani.