-- Advertisements --
Naglabas ngayong araw ng memorandum si DPWH Secretary Vince Dizon na pansamantalang nagpapahinto sa pagsusuot ng uniporme ng mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ay matapos makatanggap ng reports si Dizon ng mga insidente ng harassment at pananakit mula sa publiko laban sa mga empleyado dahil nakikilala silang tauhan ng ahensya. Inirekomenda na rin ng union ng mga empleyado ng kagawaran na marapat itong isagawa na.
Binigyang-diin ni Dizon na nauunawaan niya ang hinaing at galit ng publiko, ngunit umapela siya na huwag lahatin ang mga empleyado ng DPWH, sapagkat mas marami pa rin umano ang tapat at nagsisilbi nang marangal sa bayan.
Ani Dizon, wala pang katiyakan kung hanggang kailan ang naturang memorandum.