-- Advertisements --

Itinanggi ni Senator Robinhood Padilla na nag-‘dirty finger’ ito habang kumakanta ng national anthem.

Kumalat kasi ang larawan ng Senador na noong Lunes na tila ini-angat nito ang gitnang daliri habang nakapatong sa kaniyang dibdib habang kumakanta ng national anthem sa Senado.

Dagdag pa nito na silang paninira lamang ang pagkalat ng kaniyang larawan.

Ang tanging iniangat lamang niya ay ang index finger o hintuturo lamangn ibig sabihin sa paniniwalang Islam ay nangangahulugan na walang ibang diyos ang dapat sundin kung hindi si Allah.