Malugod na tinanggap ng House Prosecution panel ang pagtatalaga ng Senate Impeachment Court sa apat na Amici Curiae na magbibigay ng legal na opinyon sa usapin ng voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara duterte.
Kabilang sa itinalaga sina retired Chief Justices Artemio Panganiban, Reynato Puno at Hilario Davide jr., at retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna.
Ayon kina House Prosecution spokespersons Rep. Zia Alonto Adiong at Robert Ace Barbers, kapani-paniwala, eksperto at may integridad ang mga itinalagang legal advisers.
Binigyang-diin ni Adiong na mahalaga rin ang karanasan nina Azcuna at Davide bilang mga naging bahagi ng 1986 Constitutional Commission na bumalangkas ng 1987 Constitution.
Aniya, maaari nilang maipaliwanag ang naging intensyon ng mga framers sa probisyong nagsasabing walang dapat mahatulan sa impeachment nang walang pagsang-ayon ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng senado.
Umaasa ang House Prosecution na makatutulong ang mga pananaw ng apat na amici curiae sa pagresolba ng usapin sa voting threshold, kabilang ang naging deliberasyon ng constitutional commission bago nabuo ang naturang probisyon
















