-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ng panaka-nakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mga bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Linggo, bunsod ng easterlies o mainit na hanging galing sa silangan.

Ayon sa weather bureau, maaapektuhan ang mga sumusunod na rehiyon sa Metro Manila, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Bicol Region, buong Visayas at Mindanao

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaari ring makaranas ng localized thunderstorms o mga biglaang pag-ulan ng may kasamang kulog at kidlat, ayon sa weather bureau.

Samantala, ang Bagyong Tapah (local name Lannie) ay lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Sabado ng gabi.

Huling namataan ang bagyo sa layong 750 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte, taglay ang hangin na aabot sa 85 kph malapit sa gitna, at bugso na hanggang 105 kph, habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.