Inaprubahan na ng House of Representatives ang panukalang batas na naglalayong taasan ang Teaching Supplies Allowance (TSA) ng mga guro mula sa kasalukuyang P5,000 at gawin itong P10,000.00.
Para sa school year 2024-2025 ang TSA ay magiging P7,500.00 pero sa susunod na mga taon ay magiging P10,000.00 na ito.
Bago pa man nag year-end break ang Kamara simula nuong December 14,2023, sa botong 247 pabor 0 ang hindi, inaprubahan na ang panukalang Batas ang House Bill No. 9682.
Inihayag naman ni Speaker Martin Romualdez na ang nasabing panukalang batas ay pagkilala sa “selfless service of our educators” and to “advance the welfare of public school teachers.”
Ang nasabing allowance ay magiging bahagi ito sa outlay ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng taunang General Appropriations Act (GAA).
Ang TSA ay magagamit sa pagbili ng mga tangible o intangible teaching supplies, materials, bayaran ang incidental expenses at ang implementasyon ng ibat ibang learning delivery modes.Isinusulong din ni Camarines Sur 2nd District Representative LRay Villafuerte ang
HB 1851 na naglalayong taasan ang salary grade level ng public elementary at high school teachers mula Grade 11 to Grade 19 sa kabila ng patuloy na pagtaas ng cost of living sa bansa.
Sa HB 1851, itinuro ni Villafuerte at ng tatlong iba pang mga may-akda nito ang tungkulin sa konstitusyon ng Estado na “paganahin at gawing kaaya-aya ang kondisyon sa pagtatrabaho para sa mga guro at tiyakin na ang propesyon ng pagtuturo ay makaakit at mapanatili ang nararapat na bahagi nito sa pinakamahusay na magagamit na mga talento sa bansa.
Inaatasan din ang DepEd na bumuo ng specific programmed budget para i-cover ang expenses sa pagtaas ng salary levels para sa mga plantilla positions sa loob ng limang taon ng sa gayon mabigyan ng sapat na panahon ang DBM na magsagawa ng kaukulang adjustments para ipatupad ang maayos na implementasyon ng nasabing batas.