-- Advertisements --

Siniguro ni Senate Committee on Finance Chairperson Sherwin Gatchalian na wala nang magiging dahilan para maging source ng korapsyon ang higit sa P243 bilyong halaga ng mga unprogrammed funds sa ilalim ng 2026 proposed national budget.

Ayon sa senador, dito kasi nanggagaling ang maraming bahagi ng unprogrammed appropriations kung saan isa na rito ang Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs (SAGIP) na siyang nagpondo sa sandamakmak na mga infrastructure at social service projects.

Paliwanag ni Gatchalian, tuluyan nang aalisin sa proposed spending plan ang SAGIP upang matiyak na hindi na muli pang magkakaroon ng korapsyon sa pondo na dapat ay nakalaan sana para mapakinabangan ng publiko.

Dagdag pa niya, sa bagong anyo ng unprogrammed funds makaksiguro ang publiko na wala nang panggagalingan ng korapsyon at ito ay magiging ugat para sa transparency.

Samantala, binigyang diin rin ni Gatchalian na ang mga pondong nasa ilalim ng mga unprogrammed funds ay hindi naman iligal at naglalayon na maging standby fund para sa mga proyekto na sumasailalim pa sa ongoing negotiation at wala pang pinal na kontrata.