Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang chief executive na pabilisan ang pag-iisyu ng lisensya at permit sa panahon ng national emergencies.
Ito’y matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukalang batas.
Sa kanyang sulat kay Senate President Vicente Sotto III, sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte bilang urgent ang Senate Bill No. 1844 o “An act authorizing the President to expedite the processing and issuance of national and local licenses, permits, and certifications.”
Nakapaloob sa sulat ni Pangulong Duterte na ang panukalang batas ay magbibigay-daan sa mga economic activities, pabilisin ang socio-economic recovery at matiyak ang mabilis na pamamahagi ng public services sa panahon ng national emergency gaya ng kasalukuyang COVID-19 pandemic.
Ang panukalang batas ay nakalusot na sa second reading noong Lunes, Oktubre 12.