-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isasagawa ngayong araw ang isa na namang yugto ng Dugong Bombo 2020.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng Bombo Radyo Philippines, local government unit ng Banate, Iloilo, at Philippine Red Cross.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Carlos Cabangal Jr. ng Banate, Iloilo, sinabi nito na hinati sa tatlong venue ang Dugong Bombo 2020 na kinabibilangan ng Barangay De La Paz, Barangay Talokgangan at Barangay Poblacion.

Ayon kay Cabangal, ito ay sa halip na sa municipal gymnasium upang mas madaling mapatupad ang minimum health protocol.

Umaasa naman si Cabangal na hindi bababa sa 700 ang makakapag-donate ng dugo.

Napag-alaman na 16 na taon isinasagawa ang bloodletting activity sa nasabing bayan kasabay ng kaarawan ng alkalde.