CEBU CITY- “Obession” o labis na pagkahumaling ang nakitang motibo ng PNP sa nahuling bagong suspek sa nangyaring brutal na pagpatay sa 16-year-old na si Christine Lee Silawan.

Ito ang sinabi ni Police Regional Office (PRO)-7 chief, BGen. Debold Sinas matapos makumpirma ang pagkadakip ng bagong suspek at dahil sa isinagawang extra judicial confession nito.

Ayon kay Sinas, sinabi ng 42-anyos na suspek na nagkakilala sila ni Christine sa social media at naging magka-chat.

Ito rin umano ang nakitang lalaki sa CCTV footage na kasama ni Christine noong gabi bago siya pinatay.

Nahuli ang suspek dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga at illegal possesion of firearms ngunit binabagabag umano ito ng kanyang konsensya at umamin na siya ang pumatay kay Christine.

Kaugnay nito, sasampahan na ng kaso ang nasabing suspek habang nagsasagwa ngayon ang PNP ng “walkthrough” sa nangyaring pagpaslang sa Grade 9 student na si Christine basi na rin sa pag-amin ng nasabing suspek.