Pinatawan ni US President Donald Trump ng panibagong sanctions ang Russia dahil sa paggamit ng mga chemical.
Ito ay karagdagang pagpataw ng US ng sanction sa pag-atake sa dating Russian Spy noon 2018 na sina Sergei Skripal at anak nitong babae na si Yulia sa United Kingdom.
Makailang beses na itong pinabulanan ng Russia ang nasabing alegasyon maging ang sinasabing paggamit nila ng nerve-agent.
Mula noong lumabas ang pagkakadawit ng Russia sa paglason kay Skripal ay ipinatupad ng US ang unang round ng sanctions noong Asgosto 2018.
Sinibak din ng US ang 60 Russian diplomats at ipinasara ang Russian consulate.
Mula kasi ng ipatupad ang nasabing sanctions ay hindi naabot ng Russia ang nabanggit na termino subalit walang anumang penalties ang ipinatupad.
Dahil sa panibagong sanctions ay mabibigyan ang Russia ng 90 araw para patunayan nito na hindi na ito gumagamit ng chemical weapons at papayagan ang mga inspectors na patunayan ito sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang pasilidad.