-- Advertisements --

Umabot na sa dalawang milyong ticket ang naibenta, mahigit anim na buwan bago ang nakatakdang 2026 World Cup.

Sa ngayon, mayroon nang 42 teams na kwalipikado mula sa kabuuang 48 established teams.

Batay sa official report ng organizers, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga naibebentang ticket habang 16 na syudad na ang nagsasapinal sa kaniyang preparasyon – 11 dito ay mula sa US, tatlo sa Mexico, at dalawa sa Canada.

Kabilang sa mga inihahanda rito ay ang mga stadium at iba pang imprastraktura na magagamit sa turneyo.

Nakatakdang isagawa ang tournament sa ilang lugar tulad ng US, Canada, at Mexico kung saan magsisimula ito sa Mexico City sa June 11.

Magtatagal ito sa loob ng 39 araw, ang itinuturing na pinakamahaba sa kasaysayan.

Ang US ang magiging huling host.