-- Advertisements --

Maglalaro na sa main draw ng WTA 1000 Dubai Duty Free International Tennis Championship si Pinay tenni star Alex Eala.

Inanunsiyo ng organizers na mula sa qualifying draw ay na-upgrade na si Eala sa main tournament.

Isinagawa ang anunsiyo matapos na makamit ng 20-anyos na si Eala ang ranked 40 sa Women’s Tennis Associaton (WTA).

Nangangahulugan ito na may tsansa ito ng makaharap ang ilang mga malalaking pangalan sa tennis.

Kinabibilangan ito nina world No. 1 Aryna Sabalenka of Belarus, No. 2 Iga Swiatek of Poland at No. 3 Elena Rybakina ng Kazakhstan na siyang nagkampeon sa Australian Open noong nakaraang buwan.

Ang torneo sa Dubai ay siyang pangalawang laban ni Eala sa United Arab Emirates matapos ang WTA 500 Abu Dhabi Open kung saan umabot siya sa singles quarterfinals.

Pagkatapos ng torneo ay Dubai ay magtutungo si Eala sa US para sa paglahok sa ilang torneo gaya sa Indian Wells Open sa California mula Marso 4 hanggang 15 at sa paglalaro niya muli sa Miami Open na magsisimula sa Marso 17 hanggang 29.