-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng PBA Philippine Cup Season 50 ang Meralco Bolts.
Ito ay matapos talunin nila ang Rain or Shine 98-89 sa kanilang do-or-die game quarterfinals na ginanap sa Smart Araneta.
Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na nagtala ng 31 points.
Mula sa simula ay hawak ng Bolts ang kalamangan at hindi makahabol ang Elasto Painters.
Pinasalamatan ni Meralco head coach Luigi Trillo ang Rain or Shine dahil sa ipinamalas nilang lakas sa laro.
Dahil sa panalo ay makakaharap ng Bolts ang TNT Tropang 5G para sa semifnals.
















