Nagsimula ng magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag presyo kanilang mga produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ng Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Caltex, PTT Philippines, Flying V, Phoenix Petroleum, Petron at total ang karagdagang P0.40 sa kada litro ng diesel.

Mayroong P0.50 naman ang idinagdag sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad naman ng P0.30 sa kada litro ng kerosene.