-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.40 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong P1.40 na pagtaas sa kada litro.

Nasa P0.70 naman ang pagtaas sa kada litro ng kerosene.

Ilan sa mga dahilan na nakita ng Department of Energy (DOE) ay ang pagtaas ng steady outlook ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Kasama na rin ang pagpapataw na mataas na taripa ni US President Donald Trump sa iba’t-ibang mga bansa ganun din ang patuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.