-- Advertisements --

Dismayado ang marami sa nakaamba na namang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa simula Marso 17, 2026, ayon sa pinakahuling oil price advisory.

Batay sa tantiya ng mga kompanya ng langis, ang gasolina ay posibleng tumaas ng P14.00 hanggang P16.00 kada litro, habang ang diesel ay may dagdag na P20.00 hanggang P23.00 kada litro.

Samantala, ang kerosene ay inaasahang tataas ng P7.00 hanggang P10.00 kada litro.

Ayon sa mga analyst, ang pagtaas ay dulot ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan, partikular sa rehiyon ng Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang mahigit 20% ng pandaigdigang suplay ng langis.

Bukod sa geopolitical conflict, tumaas din ang benchmark prices ng crude oil sa pandaigdigang merkado, kung saan ang Brent crude ay lumampas na sa $95 kada bariles ngayong linggo.

Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na maaaring magpatuloy ang pagtaas ng presyo sa mga susunod na linggo kung hindi magtatapos ang kaguluhan sa rehiyon.

Dahil dito, nanawagan ang mga consumer groups sa pamahalaan na pag-aralan ang posibilidad ng fuel subsidy o price stabilization measures upang maibsan ang epekto sa mga ordinaryong mamamayan.