-- Advertisements --

Kasunod ng pangho-hostage kay dating Sen. Leila de Lima, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakatakda itong makipag-usap sa senadora.

Tatanungin daw ni Marcos sa senadora kung gusto nitong mailipat sa ibang detention center.

Kasunod nito, inatasan din ng Pangulong Marcos ang mga otoridad sa Camp Crame na magpatupad ng lahat ng kinakailangang measure para masigurong hindi na mauulit ang ganitong uri ng karahasan sa mga detention centers.

“I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center,” ani Pangulong Marcos.

Una rito, tinangka raw ng tatlong person under police custody (PUPC) na tumakas mula sa detention facility ng PNP sa Camp Crame.

Napatay ng mga pulis ang dalawang suspek at ang isa naman ay nagkaroon ng pagkakataon na makarating sa selda ni dating Sen. De Lima sa PNP Custodial Center at dito na hinostage.

Napatay din ang ikatlong suspek matapos mag-resist sa mga arresting officers.