Matagumpay na naisagawa ang pagpapauwi sa ilang mga Pilipinong nagtatatrabaho sa labas ng bansa na naipit sa lumalalang tensyon sa Middle East.
Kung saan nakabalik na ng Pilipinas ang nasa 18 Overseas Filipino Workers na na-repatriate mula bansang Tel Aviv at Jordan na siyang sinasabing na-stranded sa Dubai.
Ibinahagi ng Department of Migrant Workers na lulan ng isang eroplano ang mga Pilipinong ito na siyang nakarating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kaninang bandang 9:30 ng umaga.
Kaya’t dahil dito ay kanila na itong inasiste kasabay ng pagsalubong ng kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, kasama pati si Overseas Workers Welfare Administration Administrator Patricia Caunan.
Bago ang pagdating ng 18 OFWs sa bansa, sila’y binigyan na ng inisyal na tulong ng Embahada at ng Migrant Workers Office sa Tel Aviv na apektado ng missile na bumagsak sa Rehovot, Israel noong Hunyo 15.
Dahil sa lubhang napinsala ng missile ang mga apartment, tirahan at kagamitan ng mga Pilipinong ito, sa pangunguna ni Labor Attache Rodolfo Gabasan ng MWO ay sila’y namahagi ng relief packages.