Target ngayon ng pamunuan ng Department of Transportation na matapos ang north metro integrated terminal sa taong 2028.
Ayon kay Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon, nais nilang susugan ang naging tagumpay ng Parañaque Integrated Terminal Exchange sa southern part ng Metro Manila.
Ang PITX ang pinakamalaki at modernong transportation hub na itinayo sa Parañaque City, Metro Manila na nagsisilbing central point para sa mga intercity at provincial bus, jeepney, at UV Express na siya namang nagkokonekta sa mga commuter mula sa south patungo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Nangako na rin aniya ang Government Service Insurance System (GSIS) ng 3-hectare property sa QC para sa naturang proyekto.
Bukod dito ay plano rin ng ahensya na palawakin pa ang Parañaque Integrated Terminal Exchange dahil punong-puno na ito.
Ang mga proyektong ito ay alinsunod pa rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pagandahin ang sektor ng transportasyon sa bansa.