Pinasisiguro ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare ang Development na may access at ligtas na pampublikong transportasyon para sa mga may kapansanan.
Sa press briefing sa Malakanyang, inanunsyo ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na mayroon siyang ininspeksyong tatlong electric buses para sa persons with disabilities.
Proyekto ito sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program’s (SLP) Persons with Disabilities – Electric Transportation Service (PWD-ETS).
Sa ilalim nito, binibigyan ng livelihood grants ang PWDs sa SLPAs para bumili ng electric vehicles that are disability-friendly.
Dito’y kikita ang mga benepisyaryo habang natutulungan ang mga may kapansanan na magkaroon ng ligtas na transportasyon.
Ayon kay Gatchalian, target nilang palawakin, palawigin at paramihin ang PWD-ETS hindi lang sa Metro Manila kundi sa iba pang lugar.
Una rito, nag-viral ang video ng isang PWD na sinaktan ng mga kapwa pasahero sa bus.