Inilibing umano sa Taal Lake ang 34 na sabungero natukoy na nawawala nang apat na taon ayon sa statement ng isang suspek.
Sa isang panayam sinabi ni alias ”Totoy” na pinatay ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang wire. Nilinaw niya na lahat ng mga sabungero ay nahuling nandaya umano sa laro.
Dahil sa banta sa kanyang pamilya kaya daw siya nagdesisyong magsalita at nangakong ibubunyag ang tunay na utak ng pagpatay.
Nabanggit din niya na may mga drug lord na kasamang inilibing sa Taal Lake.
Nabatid na ang anim na security guard na kabilang sa mga nawawala ay kinilalang sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion, at Roberto Matillano Jr.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice at Philippine National Police para sa paglilitis ng mga suspek.