-- Advertisements --

Pasado alas-10:00 ng gabi nang bumalik sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kaniyang inaugural state visit sa Indonesia na sinundan ng pagtungo sa Singapore.

Sinalubong ang presidente nina Vice President Sara Duterte, Executive Secretary Victor Rodriguez, Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro (Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines), Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr. (Commanding General, Philippine Army), MGen. Arthur M Cordura PAF (Vice Commanding General, Philippine Air Force), Rear Admiral Caesar Bernard Valencia (Vice Commander, Philippine Navy), Rep. Antonino Calixto (Lone District, Pasay City) at Mayor Imelda Calixto-Rubiano (Pasay City).

Iniulat naman ng pangulo na naging matagumpay ang kaniyang byahe at nakapag-uwi ng bilyon-bilyong investment pledges.

Ilang kasunduan din ang nilagdaan sa pagitan ng Indonesia at Singapore.

Narito ang ilang bahagi ng mga kasunduan:

  • Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology of the Philippines at Ministry of Communications and Information of Singapore sa field ng digital cooperation
  • Joint Communiqué sa pagitan ng Department of Migrant Workers of the Philippines at Ministry of Health of Singapore sa recruitment ng Filipino healthcare workers.
  • Memorandum of Understanding sa Cooperation in Personal Data Protection sa pagitan ng National Privacy Commission of the Philippines at Personal Data Protection Commission of Singapore;
  • Memorandum of Understanding ng Bases Conversion and Development Authority of the Philippines at Enterprise Singapore para sa collaboratin sa business opportunities at development ng New Clark City;
  • Memorandum of Understanding ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System of the Philippines at Public Utilities Board of Singapore sa water collaboration
  • Arrangements sa pagitan ng Singapore Armed Forces at Armed Forces of the Philippines kaugnay ng Regional Counterterrorism Information Facility sa Singapore.