-- Advertisements --

Good News!

Sisimulan na ng Department of Transportation ang rehabilitasyon ng Kamuning Busway Station kasabay ng pagtatayo ng bagong footbridge.

Batay sa datos ng ahensya , ang proyekto ay may kabuuang halaga na aabot sa mahigit P33.2 milyon.

Kabilang sa mga aayusin ang station platform, waiting sheds, railings, ilaw, digital clocks, at iba pang electrical equipment.

Nakatakda rin magtayo ng 24/7 guard/janitor at traffic officer station post, at maglalagay ng vertical louvers para sa proteksyon ng mga pasahero.

Sinabi ng ahensya na layunin lamang ng naturang proyekto na gawing ligtas , accessible at komportable ang Kamuning Busway Station para sa mga pasahero.

Kaugnay nito ay Tiniyak ni Sec. Dizon na hindi maaapektuhan ang operasyon ng EDSA Busway habang isinasagawa ang rehabilitasyon.