-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang Hollywood stuntman na si Ronnie Rondell Jr sa edad na 88.
Ayon sa kampo nito na nawalan na ito ng malay habang ito ay nasa care home sa US sa Missouri.
Nakilala ri Rondell sa pagsunog sa sarili na naging cover ng album ng bandang Pink Floyd na “Wish You Were Here”.
Kinuha siya sa mga iba’t-ibang pelikula gaya ng “Lethal Weapon” , “Thelma and Louise”, “Star Trek: First Contact” at maraming iba pa.
Unang naging stuntman ito sa TV series na “Soldiers of Fortune” na umere mula 1955 hanggang 1957.
Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang ilang mga nakasama nito sa pelikula at telebisyon.