-- Advertisements --

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging laman ng kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly (UNGA).

Ayon sa Pangulo, magaganap ang kaniyang speech sa Setyembre 20, 2022, sa New York, USA.

Lalamanin umano nito ang mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas at mga plano ukol sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at iba pang suliranin.

Ilalahad din niya ang kahandaan ng Pilipinas na makibahagi sa mga layunin ng United Nations (UN), para sa ikatatatag ng pandaigdigang sistema.

“I will be delivering our national statement on the 20th of September, in which I will outline our expectations of the United Nations and the work ahead, the role our country will play, and the contributions in strengthening the international system,” wika ng Pangulo.