-- Advertisements --

Nagkausap sa telepono sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron, nitong nakalipas na Biyernes.

Ito ay bago pa man ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly (UNGA) at related bilateral talks.

Bagama’t wala pang anunsyo ang Malacanang sa nasabing development, sinasabing sumentro ang usapan sa commitment ng France sa pagpapanatili ng kaayusan sa Indo-Pacific region.

Ito ang unang pagkakataon na nagkausap ang dalawang pangulo, matapos maupo sa tungkulin si President Marcos.