-- Advertisements --
Nangangailangan ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mas malaking pondo para sa kanilang programa na nagsusuporta sa micro, small and medium enterprises (MSME).
Sinabi ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque, na mahalaga ang pagkakaroon ng pondo para magkaroon ng puhunan ang mga maliliit na negosyante.
Aminado ang kalihim na maraming mga maliliit na negosyante ang may produkto na subalit wala na silang mga kakayahan na ito ay kanilang maipromote.
Dahil dito ay hihirit siya sa kongreso ng P10 bilyon na pondo para maisakatuparan ang nasabing plano.