-- Advertisements --
PBBM 2

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pananatilihin ang dalawang buwang buffer stock ng asukal upang maiwasan ang kakulangan ng mga bilihin sa bansa.

Aniya mula ngayon ay kailangan nang e-maintain ang two-month buffer stock ng asukal upang hindi makaranas ng shortage ang mamamayan ng Pilipinas.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang pangangailangang pagbutihin ang lokal na produksyon ng mga produktong pang-agrikultura at itigil ang pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura.

Inilalantad din nito na ang gobyerno ay may “napakagandang ideya” sa paggawa nito.

Dapat aniyang tulungan ng gobyerno ang industriya ng asukal at mga nagtatanim ng sibuyas.

Ikinalungkot ng Pangulo ng bansa kung paano nasanay ang bansa sa pag-aangkat sa halip na pahusayin ang bahagi ng produksyon.

Aniya, napilitan ang pamahalaan na mag-import ng sibuyas upang matiyak na sapat ang suplay at ma-stabilize ang presyo nito sa merkado.

Dagdag pa nito na bukod sa mababang produksiyon, ang smuggling ay kabilang din sa mga pangunahing dahilan ng pagliit ng suplay ng mga produktong pang-agrikultura.