-- Advertisements --

Naiproklama na si Mayor Vico Sotto matapos ang canvassing ng mga boto sa lungsod ng Pasig na isinagawa sa Rizal High School.

Bago mag alas-6:00 ng umaga nai-transmit na ang mga boto mula sa Barangay Bagong Ilog.

Sa official result mula sa canvassing, si Mayor Vico ang nakakuha ng lamang na boto na 351,392, malayo sa nakuhang boto ng kanyang kalaban sa pagkamayor na si Sara Discaya na may 29,591 boto.

Samantala, narito ang bahagi ng pahayag ni Mayor elect Vico Sotto sa pagtatanong ng Star FM Manila.

Nanaig din ang partido nito na Giting ng Pasig na nakapagtala 15-0 kung saan ang labing isa rito ay mga incumbent o kasalukuyang nakaupo sa pwesto.

Nanalo para sa kanyang ikalawang term si Vice Mayor Dodot Jaworski at Congressman Roman Romulo para sa kanyang huling termino, habang nagwagi rin ang labing dalawang kandidato nito sa konseho o tig-anim para sa una at ikalawang distrito ng Lungsod ng Pasig.

Samantala, may mensahe naman ang kapatid ni Mayor Vico na si Danica Sotto at ama nilang si Vic Sotto sa naging panayam ng 102.7 Star FM Manila.

Sa ngayon, balik trabaho agad ang alkalde, kung saan matapos ang naging proklamasyon niya na ginanap sa Rizal High School Gymnasium na nagsilbing Canvassing Center, dumiretso agad ito sa flag raising ceremony kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod.

Sinalubong ng palakpakan ng mga kawani ang mga bagong proklamang incumbents pagdating ng mga ito mula sa RHS. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Vico sa mga tanggapan ng nasyonal ng pamahalaan sa pangunguna ng Commission on Elections at Department of Education.