-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Abra Police Provincial Office ang paratang hinggil sa umano’y pagkakasangkot ng Abra Police sa pagkasunog ng Dangdangla Elementary School sa Bangued, Abra.

Ayon sa Abra Police Provincial Office, hindi sila sangkot sa pagkasunog nito at ang kumalat na impormasyon ay hindi totoo.

Una nang pinakalat ng isang Punong Barangay online na may kinalamang ang mga tauhan ng Abra Police psa pagkasunog ng paaralan.

Ayon sa Pulisya, wala silang motibo para sunugin ang paaralan na isang educational institutions.

Bahagi aniya ng kanilang mandato na pangalagaan ito para magkaroon ng seguridad ang nalalapit na halalan ngayong taon.