Nanawagan si Senador Kiko Pangilinan sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na agad magsampa ng claims laban sa warranties at performance bonds ng mga flood control projects na bigong maghatid ng tamang resulta, lalo na sa gitna ng matinding pagbaha na tumama sa iba’t ibang probinsya kamakailan.
Sa kanyang interpellation sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon ukol sa maanomalyang flood control projects nitong tinanong ng senador si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon hinggil sa estado ng performance bonds at warranties ng mga substandard na proyektong kasalukuyang iniimbestigahan.
Ito ay matapos ipabatid ni Dizon na nakapagsimula na ng warranty claims laban sa ilang kontratista na sangkot sa mga maanomalyang proyekto, at ang kabuuang halaga ng warranties at performance bonds ay maaaring umabot mula sa sampu-bilyon hanggang daan-daang bilyong piso.
Matatandaang una nang nanawagan si Pangilinan na ipatupad ang warranties, penalties, at surety bonds, na kadalasan ay may bisa ng hanggang limang taon, laban sa mga kontratistang sangkot sa flood control projects.
Aniya, ang “monetary punishment” ay “mabilis at agarang paraan” para panagutin ang mga ito.
Ipinahayag din ng senador ang kanyang pag-asa na ang imbestigasyon ukol sa maanomalyang proyekto ay makapagtutukoy ng katotohanan sa likod ng katiwalian sa mga infrastructure projects ng gobyerno.
















