-- Advertisements --
Malungkot na ibinahagi ng pamilya Barretto na pumanaw na ang kanilang kapatid na si Mito Barretto.
Si Mito ang panganay sa pitong anak nina Inday at Miguel Barretto.
Sa social media account ni Marjorie ay labis itong nagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng nakakatandang kapatid.
Ibinahagi pa nito ang larawan ng namayapang kapatid at hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.
Humingi ito sa mga malapit sa kapatid na mag-alay ng dasal.
Hindi naman makapaniwala si Claudine nt malaman ang malungkot na balita sa pagpanaw ng kapatid at ibinahagi pa ang larawan nila.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kasamahan nila sa showbiz matapos na mabalitaan ang malungkot na balita.