CAUAYAN CITY- Isa pang cobra ang nahuli sa billeting quarters sa lungsod ng Davao ng mga manlalaro mula sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ferdinand Narciso, tagapagsalita ng DepEd Region 2, sinabi niya na isa ring cobra ang nahuli sa kanilang tinutuluyan.

Ito ay may haba na apat na talampakan at mas mahaba sa unang nahuli na may habang tatlong talampakan.

Ayon kay Ginoong Narciso, isang atleta ang naghahanap ng kanyang gamit nang biglang napasigaw dahil sa nakitang cobra na nahulog mula sa bintana.

Agad naman umano itong naireport sa mga security personnel kaya’t nahuli ang ahas.