Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, ang 1348 hotline na magsisilbing helpline Ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers.
Sa isinagawang OFW family day sa SMX, inihayag ng Chief Executive na magsisilbing access ang 1348 sa paghingi ng tulong ng mga OFW.
Bukas aniya ito beinte kuwatro Oras… 7 days a week para pagserbisyuhan ang mga overseas Filipino workers na hihingi ng tulong sa pamahalaan.
Kabilang sa tulong na maaaring maipagkaloob ng 1348 hotline ay ang legal assistance para sa mga OFW gayundin kung kailangan ng rescue, repatriation at counselling.
Ang hotline 1348 ay nasa ilalim ng one repatriation command center.
Pagtiyak pa ng Pangulo sa mga OFW, handa ang pamahalaan na ipagkaloob ang kailangang tulong sa mga Pinoy na nagta trabaho SA abroad SA gitna ng aniyay malaking kontrbusyon nito sa Bansa.
“Marami pang proyekto ang nakapila, at kahit ang mga kasalukuyang programa ay pagagandahin pa natin. Umaasa po akong susulitin ninyo at gagamitin ng wasto ang mga benepisyong ito. Kasabay ng pagkayod ninyo sa ibayong dagat para sa mas magandang buhay ng inyong pamilya, ay ang aming pagsisikap na magpaunlad pa lalo sa ating bansa upang sa inyong pagbabalik ay makita ninyo ang malaking pagbabago,” Pahayag ni Pang. Marcos Jr.