Biniro ni Pangulong FErdinand Marcos Jr si Senate President Chiz Escudero at smga Senador na nais umano maging bahagi ng Korte Suprema ngayong may fiscal autonomy na ang kataas taasang hukuman.
Batay sa naging pasaring ng Pangulo, paano pa ipapasa ni Escudero ang kaniyang mga legislation kung nag-aapply sa Supreme Court ang ilang senador.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag bago ang kaniyang talumpati sa paglagda nito sa Judiciary Fiscal Autonomy Act na ginanap kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.
Dumalo sa ceremonial signing ang mga miyembro ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez, ang mga Senador sa pangunguna ni SP Escudero, Supreme Court Justice Alexander Gesmundo.
Sa nasabing seremonya nakita namang magkatabi na umupo sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Chiz Escudero.
Kung maalala naging maanghang ang banat ni Escudero dahil may ilang mambabatas umano ang nasa likod sa demolition job laban sa kaniya.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang Senado at Kamara dahil sa isyu ng impeachment case laban kay VP Sara Duterte.